NEW BOOK: HOPIA

Ang sarap sa feeling na makita ang supportive Cadenators and Hanashers (kahit wala ng Gabi ng Hanash), lasang brazo de mercedes na favorite food ko. Nakakataba ng katawan este ng puso ang pagpunta niyo sa mga booksigning events namin.

Habang nakikita kitang papalapit na nakangiti, nagagalak at nanginginig sa aking ka-cute-an, kasexihan at kakinisan, ay sabay namang tumatagas ang pawis sa aking kili-kili na ikinagagalak naman ng mga katabi kong Viva Psicom authors dahil sa kadahilanang fresh naman daw ito at hindi dirty. Unlike sa iba na nag-gigripo na nga, may pasabog pa. Fiesta ba? May libreng pa-fireworks si Mayor?

Kakaiba talaga yung feeling na may naglalapag ng libro sa harapan mo, nag-uumapaw talaga yung ngiti ko. Then afterwards, kapag nakita ko na yung kulay ng libro, nasilip yung title ng libro tapos nakita yung mukha ng reader, marerealize ko nalang na hindi pala para sa akin yung libro. Punyatera, nilapag lang pala sa harap ko kasi nangalay sa pagdala. `Yung tataa? Pati ba naman dito sa booksigning nagkalat ang mga paasa?

11008543_10205730282509842_8986379171472741227_n

Salamat naman at may lumapit din sa akin at last. Kanina pa ko nakatunganga dito, namumuo na yung mga tinga ko.

Sa wakas, may lumapit din para magpapirma. Ipaparamdam ko talaga na interesadong interasado ako sayo pero yung tataa niyan, pakitang tao ko lang yun, chos! Gusto ko kasing ma-feel mo yung “Slow-Mo” effect na makita ang nag-iisang Taong Igit. Ang daldal ko kapag nagpapapirma ka saakin, ayoko kasing madisappoint ka. Ayoko naman yung maging tipong sobrang ligalig sa Social Media tapos sa personal sobrang pabebe, tahimik, walang pag-ngiti at mabaho ang hininga. Speaking of hininga, yan ang pinaka-ayoko sa lahat, kalevel ng putok at anghit. Okay, Back to the topic! Kahit na pinapagalitan na ko ng mga tagabantay na bilisan daw ang pagpirma… Lakopaks! Ano? Nag-ipon ka pambili ng libro, pumila ng mahaba, nainitan, nakipagsiksikan, naka-amoy ng something something tapos pag kaharap na yung author, pirma lang mapapala m? `Yung Tataa? 

image
image
image

Pumili, Bumili, Namaga ang pwet sa pag-upo, Tumayo at Pumila ulit. Dahil sa effort mo na yan… may libre kang HOPIA.

image
image

 

image

I deserve a pause for a picture HA HA HA HA HA

 

image

MARAMING SALAMAT PO SA WALANG SAWANG SUPORTA :)

Marami na ang nakabili ng HOPIA (P150.00) at nasiyahan naman sila sa nabasa nila, sana lang hindi sila echosero’t echosera. Boom Boom Pow talaga ang librong ito kaya sana makabili ka na rin. Available pa rin ang Eng Serep Megwele. `Yung tataa? (P195.00) nationwide na palaging out of stock sa mga bookstores.

image
  • Ameera Navarrosa

    I’ll try to buy this when we go back to the Philippines.

  • Krizsha Collado

    I want to read your first book and your second book. I wish I can buy one when I get home.